Skip to main content

VALENZUELA CITY, USA

Celebrating 24 Years Of Service

Home
About Us
Message Of The President
History Of Valenzuela
Historical LandMarks
Polo The Beautiful
Board Of Directors
Members
Poems & More
Tribute To Resty Bautista
Memory Of Alice Bautista
Ako Ay Pilipino
Ang Huling Pangako
Dekada Singkwenta
Pamamaalam
Ating Kapisanan
Remember Ondoy
Life After Retirement
Reflection By Lorena m. E
In The Course of Life
Remembering Tatay Pito
Tula Para Kay SID
In Remembrance Of Emil Me
Valenzuela..Noon & Ngayon
Gabay Ng Tahanan
Meetings and Activities
Northern California
Photo Gallery
Video Gallery
In Loving Memory
Bulletin Board
The Link
Contact Us
Member Login
TRIBUTE TO RESTY BAUTISTA


Restituto U. Bautista

(June 10, 1937 – December 18, 2016)

Nilikha Ni Gene Bautista


Pinakamatanda sa magkakapatid,

Tulong sa magulang nang kami ay gipit,

S’yang naging huwaran nang ako ay paslit,

Sa mga kapatid, ay napakabait.

 

Kulang pitong taon ang aming pagitan,

Akala ng Ina, di na masusundan,

Kaya anong tuwa ng ako’y isilang,

Siyang bumalikat, ako’y alagaan.

 

Una kong sinundan sa mahal kong Kuya,

Na maging sacristan sa ating Parokya,

Magsilbi sa Diyos, ang aming panata,

Kahalintulad din ng butihing Ina.

 

Sa aming paglaki ang masasabi ko,

Sa paghahanap buhay, sa kanya natuto,

Pagsukat sa lupa, pagpapa rehistro,

Pati na titulo na kasama n’ya ko.

 

Sa pagsasalita, ipagmamalaki,

Ano man ang topic o pagiging emcee,

Sa public speaking ay katangi-tangi,

Ang maraming tao, siya’y pinupuri.

 

Sa aking paguwi halos taun-taon,

Sa bahay ng Kuya ako tumutuloy,

Kahit papaano ako’y nakatulong,

Sa kanyang paghina, dulot ng panahon.

 

Sa ‘king pagiisa ay ginugunita,

Ang Kuya Resty nang kasa-kasama,

Ngayong wala na s’ya, di ko makikita,

Aking kalusugan ang dapat i-una.

 

Aking pasalamat, siya’y nabasbasan,

Kaibigang Pare, napagkumpisalan,

Patawarin nawa, mga kasalanan,

Tanggapin po Ninyo sa’yong kaharian.

 

Ang kanyang pagpanaw, pinagdarasal,

Magkikita sila ang Ina at Tatay,

At saka ni Alice na aking maybahay,

Sa aming narito, ang pagsusubaybay.

 

Ang aking kapatid, madalas tawagin,

Upang matulungan sa pananalangin,

Panginoong Diyos ay kanyang tanggapin,

Kanyang Obituary isulat ang hiling.

 

Gene U. Bautista

Wanaque, NJ – December 2016