Skip to main content

VALENZUELA CITY, USA

Celebrating 24 Years Of Service

Home
About Us
Message Of The President
History Of Valenzuela
Historical LandMarks
Polo The Beautiful
Board Of Directors
Members
Poems & More
Tribute To Resty Bautista
Memory Of Alice Bautista
Ako Ay Pilipino
Ang Huling Pangako
Dekada Singkwenta
Pamamaalam
Ating Kapisanan
Remember Ondoy
Life After Retirement
Reflection By Lorena m. E
In The Course of Life
Remembering Tatay Pito
Tula Para Kay SID
In Remembrance Of Emil Me
Valenzuela..Noon & Ngayon
Gabay Ng Tahanan
Meetings and Activities
Northern California
Photo Gallery
Video Gallery
In Loving Memory
Bulletin Board
The Link
Contact Us
Member Login



Alicia Jose Bautista
Nilikha Ni Gene  Bautista

 

Butihing maybahay, ulirang magulang,

Lola ng munting prinsesa ng buhay,

Mapagmahal na kapatid at titang uliran,

Ilan lamang ito sa ‘yong katangian.

 

Isang reliyosang sa Diyos nagmamahal,

Hindi nalilimot sa Poo’y magdasal,

Deboto ng Birheng Fatima at Manaoag,

At Lady Czestochowa, nagbuhat sa Poland.

 

Bagama’t mahirap ay pinagpatuloy,

Unang Linggo ng buwan, kami’y dumudulog,

Di niya ininda kahit napapagod,

Aming sinusuong, lamig ng panahon.

 

Mga buwang nagpakita ang Birheng Fatima,

Aming tinaguyod ang kanyang panata,

Tuwing ika-labing-tatlo, simula nang Mayo,

Hanggang sa Oktubre, kami ay dumalo.

 

Kung sa kabutihan, di mapapantayan,

Ang gawang pagtulong sa nangangailangan,

Magsilbi sa Diyos, isang karangalan,

Daming nagmamahal na mga kaibigan.

 

Apat naput-tatlong taon kaming kasal,

At tatlong lalaki, biyayang binigay,

Mabubuting anak sunod sa magulang,

Hindi nagsisising ikaw ang minahal.

 

Ang unos sa buhay, di inaasahan,

‘sang malubhang sakit, kanyang nilabanan,

Di siya sumukong mapagtagumpayan,

Ang sakit na dulot sa kanyang katawan.

 

Matagal na hiling, sa kanya’y binigay,

Sinilang sa mundo, ligaya ang taglay,

Isang babaeng sanggol na nagbigay kulay,

Naglalaho ’ng sakit mayakap n’ya lamang.

 

Sa huling mga oras na siya’y kasama,

Di pa nag-aagahan, excited na siya,

Ito kasi ang araw, kanyang makikita,

Marikit na apo, si Baby Aaliyah.

 

Lubos na ligaya ang kanyang natamo,

Nang kanyang makarga ang mahal na apo,

Masayang minasdan ang pagtulog nito,

Sa kanyang kandungan, bata ay kuntento.

 

Ipinaghehele at kinakantahan,

Ngiti sa mukha n’ya di mapapantayan,

Di ko akalaing ito’y pamamaalam,

Sa huling sandali niya ay naligayahan.

 

Sa kanyang pagyao, kanyang makikita,

Nanay, Tatay, Etik at Ate Luring niya,

Gayundin ang ilan sa aming barkada,

Kabilang na rito si Egay at Digna.

 

Ngayong nagiisa, wala ng kasama,

Kung panonoorin ang tele-nobela,

Natapos ang Dream Dad, di niya nakita,

Mga paboritong pina record niya.

 

Marami sa inyo ang magpapatunay,

Mga jokes niyang nagbibigay buhay,

Mga pagtitipon at mga huntahan,

Marami s’yang baon, di mauubusan.

 

Alam kong ang gusto ay maalala siya,

Walang kalungkutan, tayo ay magsaya,

Maraming salamat, pinahahatid niya,

Sa kabilang buhay, na nagsimula na.

 

BLD 23 dalawa na sila,

Ating tatawagang tayo’y ipag-adya,

Ang mga dalangin, naririnig nila.

Ipararating ‘to sa Poong Maylikha.

 

 

Maraming salamat po at Magandang Buhay!

Gene Bautista – Wanaque, NJ

 

In Memory of

Alicia Jose Bautista

July 3, 1945 - April 20, 2015