Skip to main content

VALENZUELA CITY, USA

Celebrating 24 Years Of Service

Home
About Us
Message Of The President
History Of Valenzuela
Historical LandMarks
Polo The Beautiful
Board Of Directors
Members
Poems & More
Tribute To Resty Bautista
Memory Of Alice Bautista
Ako Ay Pilipino
Ang Huling Pangako
Dekada Singkwenta
Pamamaalam
Ating Kapisanan
Remember Ondoy
Life After Retirement
Reflection By Lorena m. E
In The Course of Life
Remembering Tatay Pito
Tula Para Kay SID
In Remembrance Of Emil Me
Valenzuela..Noon & Ngayon
Gabay Ng Tahanan
Meetings and Activities
Northern California
Photo Gallery
Video Gallery
In Loving Memory
Bulletin Board
The Link
Contact Us
Member Login

Ang Huling Pangako

Nilikha Ni Gene Bautista

 

Sa ilang na nayon aking nakilala

Ang isang babaeng walang kasing ganda

Napag-alaman ko, siya’y may asawa

Walang kaibigan, ngayo’y nag-iisa.

 

Malimit makita, nasabing babae

Hindi kumikibo ano man ang bati

Sa aking palagay at sa pakiwari

Siya’y may problema, problemang malaki.

 

Nang ako’y pauwi galing sa trabaho

Siya’y umiiyak, tila nanglulumo

Ako ay lumapit at inalo-alo

Patay ang asawa na nakabilanggo.

 

Paanong nangyari ang aking bulalas

Asawa’y mabait, masunuring anak

Ang pagmamahal niya’y hindi kumukupas

Sa paguwi niya, may dalang bulaklak.

 

Ngunit ng mamatay ang butihing ama

Ang huling habilin at hiling sa kanya

Umiwas sa away, huwag padadala

Silakbo ng galit ay hindi maganda.

 

Isinama n’ya ko sa isang kainan

Doo’y nakatagpo ang dating karibal

Kami ay binastos, hinamon ng away

Agad na lumisan, binansagang duwag.

 

Mula ng mangyari, kumalat sa nayon

Tinuya ng lahat itong aking irog

Pilit tinitimpi ang sama ng loob

Sa bahay kung minsan ay humahagulgol.

 

Isang dapit hapon, ako’y namimili

Ako’y inabangan ng tatlong lalaki

Dinala sa batis, winasak ang puri

Di raw natatakot, asawa’y binabae.

 

Nang mabalitaan ng aking maybahay

Sa puntod ng ama, kanyang isinaysay

Patawarin siya, sa kanya’y ibigay

Ang ipinangakong pagiwas sa away.

 

Ang tatlong ulupong kanyang pinaghanap

Upang maghiganti sa aking dinanas

Sila’y napagtagpo sa maraming oras

Napatay ang isa, dalawa’y tumakas.

 

Ang pagkalalaki’y hindi nakukuha

Pakikipagaway ay iwasan sana

Subalit may oras na dapat pakita

Na ikaw ay handang harapin ang banta.

 

At sa bilangguan, nagkaroon ng gulo

Marami ang hostage ng isang bilanggo

Ang aking asawa ang s’yang nagpasuko

Subalit nabaril ng ligaw na punglo.