Skip to main content

VALENZUELA CITY, USA

Celebrating 25 Years Of Service

Home
About Us
Message Of The President
History Of Valenzuela
Historical LandMarks
Polo The Beautiful
Board Of Directors
Members
Poems & More
Tribute To Resty Bautista
Memory Of Alice Bautista
Ako Ay Pilipino
Ang Huling Pangako
Dekada Singkwenta
Pamamaalam
Ating Kapisanan
Remember Ondoy
Life After Retirement
Reflection By Lorena m. E
In The Course of Life
Remembering Tatay Pito
Tula Para Kay SID
In Remembrance Of Emil Me
Valenzuela..Noon & Ngayon
Gabay Ng Tahanan
Meetings and Activities
Northern California
Photo Gallery
Video Gallery
In Loving Memory
Bulletin Board
The Link
Contact Us
Member Login
 

Ako’y Pilipino

 Nilikha Ni Gene Bautista


   Kahit naririto sa malayong bayan

Di dapat limutin ating kinagisnan

Marami sa atin, aking nasaksihan

Sa lahat ng bagay daig ang dayuhan.

 

   Sa tula kong ito, aking isusulit

Ugali ng Pinoy na aking nabanggit

Alam kong sa iba ito ay masakit

Kung kayo’y tamaan ‘wag pong magagalit.

 

   Sa mga handaan tayo’y dumadalo

May mga bisitang mapapansin kayo

Ang kausap-usap puro Pilipino

English ang salita kung saan patungo.

 

   Marami sa atin, ay nalilimutan

Ang wikang Tagalog na kinamulatan

At wikang sinuso sa ating magulang

Bakit di gamitin, kay gandang pakinggan.

 

   Ang isa pang bagay, di n’yo napupuna

Ang po at ang opo ay nawawala na

Paghalik ng kamay sa mga matanda

Ay nawawala rin nang tulad sa bula.

 

   Nasaan, nasaan kagandahang asal

Sa bawa’t pagkain pauna ang dasal

Bilang pasalamat sa Poong Maykapal

Ngayo’y naririto ang biyayang bigay.

 

   Kami’y pinalaking may takot sa Diyos

Ng aming magulang, sunod ang iutos

Mahalin ang kapwa, huwag magdadamot

Bagama’t mahirap ay nakakaraos.

 

   Ang sabi sa amin, laging isa-isip

Pagkain ay kunin sa tulo ng pawis

Huwag matatakot masalab sa init

Sanaying banatin ang dalawang bisig.

 

   Ilang kakilala kung ‘yung bibilangin

Ugali’y masama, tayo’y manalangin

Nawa ay magbago, sila’y patawarin

Luluwag, gagaan ang sikip ng dibdib.

 

   At bilang pangwakas ito ang totoo

May sariling tatak, ating pagkatao

Isang karangalan saan man tumungo

Na ating sabihin, ako’y Pilipino.